dzme1530.ph

GOBYERNO, HINIMOK NA MADALIIN ANG AKSYON SA MGA BIKTIMA NG NASUNOG NA MV JUNE ASTER

Loading

UMAPELA si Senador Erwin Tulfo sa gobyerno na madaliin ang aksyon para mabigyan ng maayos na danyos ang mga biktima ng trahedya ng M/V June Aster na itinuturing na isa sa most deadliest maritime tragedies sa mga nakalipas na taon.
 
Sinabi ni Tulfo na nakakakilabot at napakasakit ng nangyaring kaya’t hindi anya maaaring manahimik at pabayaan ang mga naulilang pamilya at ang mga survivors na labis na na-trauma.
 
Ang panawagan ng Senador ay kasunod ng mga natanggap na ulat mula sa mga nagdadalamhating pamilya na pinauwi na lamang at pinaghihintay ng mga labi ng kanilang mga mahal sa buhay.
 
Ayon pa sa mga biktima, pinabayaan na umano sila ng operator ng ferry, ang Atienza Interisland Ferries Inc.
 
Iginiit ng mambabatas na hindi parcel ang labi ng mga biktima kaya’t hindi anya nakatarungang pabayaan ang mga ito.
 
Muling hinimok ni Tulfo ang Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority (MARINA) na paspasan ang imbestigasyon at tiyaking mapapanagot nang buo ang kumpanya ng ferry.
 
Tiniyak ni Tulfo na dadalhin niya ang usaping ito sa Senado para maabot ang hustisya para sa mga biktima at makabuo ng reporma sa sistema.

About The Author