dzme1530.ph

MGA MAGSASAGAWA NG KILOS PROTESTA SA PAGGUNITA SA MARTIAL LAW DECLARATION, HINIMOK NA IWASAN ANG KARAHASAN

Loading

Hinikayat ng Malacañang ang mga grupong nagbabalak magsagawa ng kilos protesta sa Lunes, September 21 na panatilihin ang kanilang aktibidad nang payapa at iwasan ang karahasan.
 
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, naghahanda na rin ang gobyerno ng posibleng deployments sa mga protesta kasabay ng paggunita sa anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.
 
Nilinaw ni Castro na hindi nila hinahadlangan ang anumang aktibidad subalit nais lamang maging maayos ang lahat ng pagkilos.
 
Tiniyak din ng opisyal na maximum tolerance ang ipatutupad ng mga awtoridad sa mga magsasagawa ng kilos protesta.

About The Author