dzme1530.ph

PCG, target magkaroon ng sariling ROVs

Target ng Philippine Coast Guard (PCG) na maisama sa kanilang panukalang 2024 budget ang pondo para makabili ng Remotely-Operated Vehicles (ROVs).

Sinabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na magandang magkaroon ng sariling ROV upang hindi na umasa sa ibang mga bansa at agad na makatugon sakaling magkaroon ng malawak na oil spill.

Aminado naman si Balilo na nasa kamay ng Kongreso kung pagbibigyan ang budget para SA rov, pero iginiit niya na hihingi ang ahensya ng tulong sa gobyerno.

Samantala, hiniling ng opisyal na mapagbigyan sila sa inihihirit na pondo para sa ROV.

About The Author