dzme1530.ph

Summer vacation ng mga estudyante, hindi ibabalik sa Abril o Mayo —DepEd spox

Walang plano ang Department of Education (DepEd) na ibalik sa Abril at Mayo ang Summer Vacation ng mga estudyante sa kabila ng mainit na panahon.

Ito ang binigyang diin ni DepEd spokesperson Michael Poa bilang tugon sa panawagan ni Senate Basic Education Committee Chairman Sherwin Gatchalian.

Dagdag ni Poa, ipapaubaya na nila sa pamunuan ng paaralan ang pasya kung sususpindihin ang in-person classes at ilipat sa alternative delivery mode o blended learning.

Matatandaang hiniling ito ni Sen. Gatchalian sa kagawaran matapos ang nangyareng insidente ng surprise fire drill sa isang pampublikong paaralan sa Cabuyao City.

About The Author