![]()
Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawak sa United Package for Livelihoods, Industry, Food and Transport o UPLIFT Program na nagkakaloob ng financial assistance sa mga indigent Filipinos na apektado ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa Middle East conflict.
Sa kanyang video message, sinabi ng Pangulo na aabot na sa 7.5 million households o 37.5 million Pinoy sa buong bansa ang makatatanggap ng cash assistance mula sa gobyerno.
Partikular na tinukoy ni Marcos ang 3.5 million household beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at ng Walang Gutom Program, kung saan makatatanggap ng one-time additional assistance na hanggang ₱2,000.
Pinalawig pa ang tulong sa 2.5 million poor at near-poor households na natukoy sa ilalim ng 2024 Community-Based Monitoring System.
Idinagdag pa ang 1.5 million low-income workers at kanilang pamilya na natukoy naman ng Social Security System na tatanggap ng ₱2,000 kada buwan mula Hulyo hanggang Disyembre.
Sinabi ng Pangulo na ang Department of Social Welfare and Development ang mangangasiwa sa programa katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.
