![]()
Itinutulak ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na gawing mandatory sa basic education ang digital literacy.
Iminungkahi ito ni Dy sa pag-convene ng Technical Working Group (TWG) ng House Committee on the Welfare of Children, kung saan si Pasig City Cong. Roman Romulo ang head.
Nasa mabusising pag-aaral ngayon ng Kamara ang iba’t ibang panukala hinggil sa pagbabawal sa mga kabataan na magkaroon ng access sa social media.
Pangunahing pinag-aaralan kung anong edad dapat ipatupad ang pagbabawal o mga restriksyon.
Kasama sa TWG evaluation ang HB No. 9965 na inakda ni Dy at Majority Leader Sandro Marcos, kung saan ang “graduated approach” ang iminumungkahi.
Sa panukalang ito, ang mga below 13 years old ay bawal magkaroon ng mga social media account, habang ang mga 13 years old and above but below 18 years old ay papayagan lamang magkaroon ng access sa mga plataporma basta may “verifiable parental consent” at may continuing parental supervision.
