Napabilang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 100 Most Influential People of 2024 ng TIME magazine.
Kinilala ng TIME Magazine ang pagpapatatag ng Pangulo sa post-pandemic economy, at pag-aangat sa Pilipinas sa world stage.
Bukod dito, pinuri rin ang kanyang pagtindig laban sa Chinese aggression sa South China Sea, at pagpapalakas ng alyansa sa America sa harap ng lumalalang tensyon sa rehiyon.
Sinabi ng TIME magazine na sa kaliwa’t kanang mga problema tulad ng extra¬judicial killings at pag-atake sa mga mamamahayag, maaari pa ring mabago ng Pangulo ang bansa sa pamamagitan ng pagsasaayos sa pangalan ng kanyang pamilya.