dzme1530.ph

SENADO, TINIYAK NA TUTULONG HANGGANG SA REHABILITASYON NG MGA LUGAR NA TINAMAAN NG LINDOL SA MINDANAO

Loading

TINIYAK ni Senador Risa Hontiveros na hindi natatapos sa relief operations ang kanilang tulong sa mga tinamaan ng malakas na lindol sa Mindanao.
 
Sinabi ni Hontiveros na itutuloy-tuloy nila ang pagtulong sa Mindanao hanggang sa rehabilitasyon ng mga lugar na tinamaan ng lindol.
 
Sa kanyang pagbisita sa General Santos City, sinabi ni Hontiveros na makikipag-ugnayan sila sa Department of Housing para malaman kung may programa silang mag-repair o mag-reconstruct ng mga bahay na nawasak.
 
Bukod dito, titiyakin din nilang maipapasok sa 2027 national budget ang pondong kailangan para sa rehabilitasyon.
 
Partikular din aniyang tutulungan ni Hontiveros ang Mindanao State University sa General Santos City para muling makabangon.

About The Author