dzme1530.ph

PROPOSED ARBITRATION CASE NG PILIPINAS LABAN SA CHINA, NAKASENTRO SA BAJO DE MASINLOC

Loading

Suportado ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang paghahain ng second arbitration case laban sa China.
 
Isa ang retiradong mahistrado sa mga pangunahing personalidad na nasa likod ng 2016 arbitration case na ipinanalo ng Pilipinas sa international tribunal.
 
Sa naturang ruling, pinawalang-bisa ang nine-dash line claim ng China, subalit hindi ito kinilala ng Beijing.
 
Una nang inihayag ni maritime expert Jay Batongbacal na pinag-aaralan na nila ang pagsusulong ng bagong kaso.
 
Gaya sa unang arbitration case, ang proposed case ay nakasentro sa Bajo de Masinloc kung saan isang Chinese floating platform ang nadiskubre sa lugar.
 
Naniniwala si Carpio na ito ay isa lamang precursor ng mas malalaking istruktura, gaya ng mga naunang ginawa ng China kung saan kinonvert ang mga reef sa artificial islands at military bases.

About The Author