![]()
Ipinaalala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa taumbayan ang kahalagahan ng obedience, humility at devotion.
Ginawa ng Punong Ehekutibo ang pahayag sa pakikiisa sa paggunita ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Sinabi ng Pangulo na ang Eid’l Adha ay pagdiriwang na nakasentro sa pananampalataya, pagsunod sa kagustuhan ni Allah at tiwala sa layunin ng bawat isa.
Paalala aniya ito na ang anumang sakripisyo na inaalay nang may sinseridad at pagmamahal ay nagdudulot ng katatagan.
Itinuturo aniya nito na anumang isinusuko nang may katapatan ay nagiging biyaya para palakasin ang pamilya at ang komunidad.
