dzme1530.ph

FILIPINO MUSLIMS, MAAGANG NAGTIPON-TIPON SA QUIRINO GRANSTAND SA PAGDIRIWANG NG EID’L ADHA

Loading

Maagang nagtipon-tipon ang Filipino Muslims sa Quirino Grandstand sa Maynila, ngayong Miyerkules, para ipagdiwang ang Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
 
Madaling araw pa lamang ay nagsimula nang dumating ang mga kapatid na Muslim para sa pagdarasal na itinakda kaninang alas sais y medya.
 
Ayon sa pag-aaral ng University of the Philippines (UP) Institute of Islamic Studies, ang Eid’l Adha ang katapusan ng Hajj pilgrimage sa Mecca, at ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng kasayahan at pagbibigayan.
 
Una nang idineklara ng Malakanyang ang May 27, 2026 bilang regular holiday sa buong bansa bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Adha.

About The Author