dzme1530.ph

ALEX EALA, UUSAD SA SECOND ROUND NG NINGBO OPEN MATAPOS PADAPAIN SI DIANE PARRY

Loading

Uusad si Filipina tennis star Alex Eala sa second round ng Ningbo Open sa China matapos padapain si Diane Parry ng France sa score na 6-3, 6-1.

Ang Round of 32 victory ang unang panalo ni Eala sa Asian swing ngayong taon kasunod ng early exits sa Singapore at Wuhan.

Sunod na makakaharap ng 21-year-old Pinay tennis sensation na kasalukuyang World No. 20 ang mananalo sa match sa pagitan nina Yulia Putintseva at Diana Shnaider sa second round.

About The Author