![]()
AMINADO si Senador Erwin Tulfo na sumama ang loob sa tatlo niyang kasamahan na kumontra sa pagbasura sa petisyon sa pagdisqualify sa kanya bilang senador dahil isyu ng citizenship.
Bumoto kontra sa pagbasura sa petisyon sina Senador Pia Cayetano, Senador Robin Padilla at Senador Camille Villar.
Sinabi ni Tulfo na inaasahan na niya ang boto ng isa sa tatlo dahil hindi naman niya kakibuan ito sa Senado na tumutukoy kay Cayetano subalit sa dalawa ay kadikit niya.
Inilarawan niya ang isang senador na si Padilla ay insan pa ang kanilang tawagan habang ang isa na si Villar ay nakasama niya pa sa Kamara.
Gayunman, sinabi ni Tulfo na iginagalang niya ang boto ng tatlo dahil karapatan naman nila ito.
Ipinaalala ni Tulfo na ilang beses nang nadismis ang petisyon laban sa kanyang pagiging senador dahil sa isyu ng citizenship gayundin sa isyu ng dynasty.
Nagpasaring pa ang senador sa isyu ng dynasty kung hindi rin ba sangkot sa dynasty ang mga senador na nagnanais magpatalsik sa kanya.
