dzme1530.ph

Pasahero ng bumagsak na piper plane sa Isabela, posibleng nakaligtas

Patay na nang matagpuan ang piloto ng piper plane na bumagsak sa Isabela, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Sinabi ni Isabela PDRRMO Head Constante Foronda na alas-11 ng umaga kahapon nang marating ng rescuers ang pinagbagsakan ng eroplano.

Hindi naman aniya nakita sa bisinidad ang nag-iisang pasahero na posibleng nakaligtas batay sa namataan mula sa himpapawid na makeshift shelter malapit sa wreckage.

Inihayag ni Foronda na kung makikisama ang panahon, dadalhin ng mga rescuer ngayong Biyernes ang katawan ng piloto sa helicopter landing zone at iba-biyahe ito sa Cauayan City. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author