dzme1530.ph

BELA PADILLA AT MARTIN TAN, PINAGHIHINALAANG NAGKABALIKAN NA

Loading

Naghihinala ang fans tungkol sa relationship status ni Bela Padilla at kanyang ex-boyfriend, tech CEO na si Martin Tan, matapos maispatan sa isang group photo kamakailan.
 
Ang litrato ay ibinahagi ni Tekya Tan na miyembro ng glam team ng aktres, sa pamamagitan ng Instagram Stories nito.
 
Naobserbahan din ng netizens na tila tinanggal ni Bela mula sa kanyang social media pages ang breakup announcement na kanyang ibinahagi noong Setyembre.
 
Kapwa hindi pa sumasagot sina Bela at Martin hinggil sa naturang espekulasyon.
 
Unang kinumpirma ng dalawa ang kanilang eight-month-old relationship, ilang linggo bago inanunsyo ng aktres ang hiwalayan nila.

About The Author