![]()
Plano ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maglabas ng mga polisiya para matiyak ang kaligtasan at proteksyon ng mga manggagawa, lalo ang mga nagtatrabaho ng mahabang oras sa labas, sa gitna ng umiiral na El Niño.
Inihayag ng DOLE na layunin ng proposed policy na bigyan ng kompensasyon ang mga apektadong manggagawa, bumuo ng warning system, at magpatupad ng flexible working hours.
Iminungkahi ni Labor Secretary Francis Tolentino ang pagpapatupad ng heat warning system, kagaya ng ginagamit tuwing mayroong heavy rainfall.
Idinagdag ni Tolentino na dapat ay magpadala rin ng cellphone notifications kapag umabot ang heat index sa 37 degrees Celsius hanggang 51 degrees Celsius.
Sinabi ng DOLE na sa ilalim ng “extreme caution” warning o kapag pumalo sa 40 degrees Celsius ang heat index, ang mga manggagawa na direktang nakabilad sa araw ay hindi dapat pinupuwersang magtrabaho.
