![]()
Muling namumuro ang panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa preliminary estimates mula sa oil industry, posibleng mabawasan ng ₱3 hanggang ₱3.50 ang kada litro ng diesel at gasolina.
Maaari namang umabot sa ₱3.70 ang bawas sa kada litro ng kerosene.
Ito ay bunsod ng mas matatag na suplay ng produktong petrolyo sa kabila ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.
Kung matutuloy ang panibagong rollback, ito na ang ikaapat na linggo ng magkakasunod na pagbabawas sa presyo ng mga produkto.
