dzme1530.ph

PANGULONG BONGBONG MARCOS JR., PLANONG BUMISTA SA MGA LUGAR NA NAAPEKTUHAN NG MALAKAS NA LINDOL SA MINDANAO

Loading

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensya ng pamahalaan na ipagpatuloy ang relief at recovery efforts sa Mindanao kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Sarangani.
 
Sa situation briefing sa Malakanyang, inatasan ng Pangulo ang Department of Health (DOH) at ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad i-assess ang mga ospital na naapektuhan ng lindol at tukuyin ang mga ligtas na lokasyon para sa mga pasyente.
 
Ipinag-utos din ng Pangulo sa Department of Energy (DOE) na unahin ang restoration at stability ng power supply sa mga pagamutan.
 
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, plano ni Pangulong Marcos na bumisita sa mga lugar na naapektuhan ng lindol, subalit wala pang eksaktong petsa.

About The Author