dzme1530.ph

PALASYO, SINOPLA SI SEN. ALAN CAYETANO MATAPOS NITONG ISISI KAY PANGULONG MARCOS ANG NABIGONG P10K NA AYUDA

Loading

PINALAGAN ng Malacañang ang pahayag ni Sen. Alan Peter Cayetano na tinanggihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala nitong magbigay ng ₱10,000 ayuda sa mga pamilyang Pilipino.
 
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na unang ipinanukala ni Cayetano ang naturang ayuda noong 2021, bago maupo ang administrasyong Marcos noong Hunyo 2022.
 
Nagtaka si Castro kung bakit sinisisi ng senador si Pangulong Marcos sa panukalang hindi naipasa.
 
Idinagdag pa ng Palace official na lumalabas na palaging walang kasalanan si Cayetano at ang ibang tao ang kanyang sinisisi.
 
Aniya, huwag ipasa ng senador ang sisi at sa halip ay akuin ang sariling pananagutan sa hindi naipasang panukala.

About The Author