dzme1530.ph

Pagtakbo sa 2028 presidential election, wala raw sa plano ni VP Sara Duterte

Wala raw sa plano si Vice President Sara Duterte na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2028 national elections.

Sinabi ni Duterte na hindi naman talaga niya ambisyon na tumakbong bise presidente, kaya lalong lalo na sa pagka-presidente.

Idinagdag ni VP Sara na ang kanyang plano para sa hinaharap ay ipinauubaya niya sa Panginoon.

Una nang inihayag ni Duterte na nananiniwala siya na pinagkakatiwalaan pa rin siya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kabila ng napaulat na lamat sa kanilang UniTeam Coalition. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author