“Solid growth” pa rin ang 5.6% na paglago ng ekonomiya ng bansa noong 2024, ayon kay Albay Cong. Joey Salceda.
Ayon sa chairman ng Ways and Means panel, solid dahil napakaraming hamon mula sa domestic environment at pandaigdigang kaganapan ang nakaapekto sa economic performance ng Pilipinas.
Para makabangon sa mabagal na paglago ng ekonomiya, kailangan umanong paigtingin ang paggastos ng gobyerno upang maabot ang nominal GDP growth target.
Dapat number one agenda umano ng gobyerno ang pagpapalakas sa produksyon ng pagkain at pagpapababa sa presyo nito.
Saad pa ni Salceda, kailangang maramdaman ng tao na may kakayahan silang bumili ng pagkain bago magkaroon ng kumpiyansang gumastos sa ibang bagay.
May mga senyales umano na umiiwas sa ibang gastos ang consumer maliban sa bigas, na siyang dahilan kung bakit hindi naabot ang economic growth noong 2024. —sa panulat ni Ed Sarto