![]()
Itinanggi ng Malacañang na pinag-aaralan nila ang posibleng tambalan nina Naga City Mayor Leni Robredo at dating Senador Manny Pacquiao para sa 2028 elections.
Sinabi ni Palace Press Officer, Atty. Claire Castro, na wala silang impormasyon kaugnay sa tambalan ng magiging pambato ng administrasyon.
Sa ngayon aniya ay nakatutok si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtugon sa mga problema sa El Niño.
Prayoridad din aniya ng administrasyon ang pagbuo ng mga hakbang laban sa epekto ng krisis sa Middle East.
Naniniwala rin ang opisyal na ang pagpapalutang ng Robredo-Pacquiao tandem ay kagagawan lamang ng isang political strategist na hindi naman bahagi ng administrasyon.
