dzme1530.ph

P80-M na halaga ng shabu, nakumpiska ng BOC sa Pasay City

Walumpung milyong pisong halaga ng smuggled na shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa mga pasilidad ng Pair Cargo, isang customs bonded warehouse sa Pasay City.

Ayon kay X-Ray Inspection Project Chief Lourdes Mangaoang, Concurrent Deputy Collector ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nadiskubre ang iligal na droga na idineklarang terry towels nang dumaan ang shipment sa regular x-ray screening.

Isiningit at itinahi ang shabu sa loob ng lining ng apat na puffer jackets.

Naka-consign ang shipment na galing Punjab, Pakistan kay Anie Rose Servano ng Salcedo, Samar na agad namang naaresto dahil naroon ito nang isagawa ang inspeksyon.

About The Author