dzme1530.ph

P35.7-B CALAX Project, makukumpleto na sa Hunyo

Itinakda ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Hunyo ang pagkumpleto sa P35.7-B Cavite-Laguna Expressway (CALAX) project.

Sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan ay sisikapin nilang matapos ang proyekto hanggang Silang o Aguinaldo interchange.

Sa pamamagitan ng halos 45km CALAX project, inaasahang mapaiiksi nila ang travel time sa pagitan ng South Luzon Expressway at Manila-Cavite Expressway ng 45 minutes mula sa kasalukuyang dalawa at kalahating oras.

Inihayag din ni Bonoan na nakumpleto na ng gobyerno ang acquisition ng right of way para sa Aguinaldo section ng proyekto.

Umaasa ang DPWH na matatapos nila ang acquisitions para sa buong kahabaan ng CALAX ngayong 2023.

About The Author