dzme1530.ph

Barangay Ginebra wagi vs Converge sa PBA Governors’ Cup kagabi

Pinangunahan nina Jamie Malonzo, Justin Brownlee, at Christian Standhardinger ang panalo ng Barangay Ginebra kontra Converge sa score na 120-101, sa PBA Governors’ Cup kagabi, sa PhilSports Arena.

Kumamada si Malonzo ng career-high na 29 points habang sina Brownlee at Standardinger ay nagdagdag ng tig-28 markers sa kabila nang hindi paglalaro nina Japeth Aguilar at LA Tenorio.

Samantala, pinangunahan naman ni Maverick Ahanmisi ang Fiberxers sa pamamagitan ng kanyang 24 points subalit hindi ito sapat para mapunan ang kakapusan sa nagawang puntos ni Jamaal Franklin na nalimitan lamang sa apat.

Sa ngayon ay mayroon nang 7-2 record ang Gin Kings habang ang Converge ay nalaglag sa kanilang ika-limang talo.

About The Author