dzme1530.ph

Prince Harry at Meghan Markle, imbitado sa coronation ni King Charles III

Imbitado si Prince Harry at kanyang maybahay na si Meghan Markle sa landmark coronation ni King Charles III sa Mayo, subalit hindi pa umano nagpapasya ang mag-asawa kung sila ay dadalo.

Ang California-based couple na kumalas sa British monarchy noong 2020 sa gitna ng lumalaking internal tensions, ay nakatanggap kamakailan ng e-mail mula sa tanggapan ng hari hinggil sa koronasyon, ayon sa tagapagsalita ng mag-asawa.

Ang report ay sa gitna ng lumalaking distansya sa pagitan ng 38 anyos na si Harry sa kanyang ama, sa nakatatandang kapatid na si Prince William at sa iba pang miyembro ng royal family, makaraang ibunyag nito ang lawak ng pagkasira ng kanilang relasyon sa pamamagitan ng libro, sa Netflix documentary, at iba’t ibang interviews.

Sa kanyang latest public comments, sinabi ng prinsipe sa isang trauma expert na matagal na niyang nararamdaman ang bahagyang kaibahan sa ibang British royals na mula sa “broken home” at sinisikap na huwag maipasa ang “trauma” sa kanyang mga anak.

About The Author