![]()
Inaresto ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang OPM artist na si Hev Abi o Gabriel Abilla sa totoong buhay.
Hinuli ang 24-year-old na rapper kasama ang anim na iba pa sa Oplan Paglansag Omega sa Barangay Laging Handa sa Quezon City.
Dahil ito sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakumpiska sa operasyon ang isang Taurus G3 9mm pistol, isang magazine, at 15 rounds ng live ammunition.
Narekober din ang 11 cartridges na naglalaman ng hinihinalang liquid marijuana, apat na sachets ng cocaine, at iba pang paraphernalia.
Gumawa ng ingay si Hev Abi nang mag-umpisa ang kanyang career noong 2020, at kabilang sa kanyang hit songs ang “Alam Mo Ba Girl” at “Lil Kasalanan Shortie.”
