dzme1530.ph

Online sellers ng vape, binalaan ng DTI

Pinaaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang online sellers ng vape products na sumunod sa restrictions sa pagbebenta ng naturang items, partikular sa mga menor de edad.

Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na ang mga mabibigong sumunod sa patakaran sa pagbebenta ng vape products ay papatawan ng ahensya ng ligal na aksyon.

Inihayag ng DTI na lahat ng mga ipinagbabawal na items ay hindi na maaring ibenta sa pamamagitan ng offline at online retail markets kasunod ng pag-iral ng Implementing Rules and Regulations ng Vape Law noong December 28.

About The Author