dzme1530.ph

Danny Ildefonso, balik laro; magsisilbi sa Converge bilang assistant coach

Magbabalik sa hardcourt ang PBA Icon na si Danny Ildefonso at maglalaro para sa Converge kung saan nagsisilbi siya bilang isa sa mga assistant coach, sa nagpapatuloy na 2023 PBA Governor’s Cup.

Kinumpirma ni Converge head coach Aldin Ayo ang balita, kasunod ng kanyang social media post tungkol sa appointment ni Ildefonso.

Si Ildefonso ay 8-time PBA champion at 2-time Most Valuable Player sa ilalim ng kanyang dating team na San Miguel.

Sa kanyang pagbabalik, may tsansa na makaharap ni Danny ang panganay na anak na si Shaun na kasalukuyan namang naglalaro para sa Rain or Shine Elasto Painters.

About The Author