dzme1530.ph

Oil price hike ngayong Semana Santa, asahan!

Malayo pa ang Biyernes Santo, magsisimula na bukas ang pagpi-penetensiya sa mga motorista.

Ito’y dahil inaasahang papalo sa P1.30 hanggang P1.60 ang dagdag-singil sa kada litro ng gasolina.

Nasa P0.30 hanggang P0.50 kada litro naman ang itataas ng presyo ng diesel habang P0.20 hanggang P0.40 sa kada litro ng kerosene.

Karaniwang inaanusyo ang price adjustments ng oil companies tuwing Lunes at ipinatutupad naman ito sa susunod na araw, o Martes.

About The Author