dzme1530.ph

Novak, naitala ang 1,100th Win sa kanyang 37th Birthday

Ipinagdiwang ni Serbian Tennis Player Novak Djokovic ang kanyang ika-tatlumpu’t pitong kaarawan sa pamamagitan ng pagtatala ng ika-isanlibo at isandaang panalo sa kanyang career.

Pinadapa ng World No. 1 si Yannick Hanfmann ng Germany sa score na 6-3, 6-3, sa second round ng French open.

Si Djokovic ay pangatlo pa lamang sunod kina Jimmy Connors at Roger Federer na nakaabot sa 1,100-win landmark.

Matapos talunin si Hanfmann, kinantahan ng crowd si Djokovic ng awiting “Happy birthday” habang ipinapasok sa court ang isang birthday cake.

About The Author