dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, NANGAKONG PAGBUBUTIHIN ANG HEALTH SERVICES SA BANSA

Loading

Ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilalapit sa mga Pilipino ang abot-kaya at dekalidad na healthcare, partikular sa mga nasa malalayong lugar.
 
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ininspeksyon ni Pangulong Marcos ang bagong tayong Felipe Abrigo Memorial Hospital at FAMH Transition Hospital sa Guiuan, Eastern Samar.
 
Si Pangulong Marcos ay sinamahan ni Health Secretary Edwin Mercado at iba pang mga lokal na opisyal.
 
Napinsala ng Super Typhoon Yolanda ang naturang ospital noong 2013, kaya pansamantala itong inilipat habang isinasailalim sa rehabilitasyon.
 
Pinondohan ang rehabilitasyon ng FAMH ng 858.54 million pesos mula sa Korea International Cooperation Agency, Department of Health, at ng local government.

About The Author