![]()
Ni-nominate ni Naga City Mayor Leni Robredo si Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen bilang susunod na Chief Justice.
Sa kanyang liham kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ng dating Vice President na ang labing-apat na taong paglilingkod ni Leonen sa Korte ay may taglay na kahusayan, kalayaan, katapatan, at integridad.
Sumulat din si Robredo sa Supreme Court at sa Judicial and Bar Council (JBC).
Inihayag ng dating Bise Presidente na nasaksihan niya ang mga pagsisikap ni Leonen, hindi lamang para matiyak ang tamang interpretasyon ng Konstitusyon at batas, kundi maging ang mga ginawa nito para magarantiyahan ang social justice, human rights, at institutional integrity.
Binanggit din ni Robredo ang pag-akyat ni Leonen sa Kataas-taasang Hukuman, simula sa pagiging public interest lawyer para sa indigenous communities, mga magsasaka, mangingisda, at mga inabuso sa larangan ng pulitika.
