![]()
Tiniyak ng transport group na PISTON na tuloy ang kanilang dalawang araw na protesta, simula bukas hanggang Miyerkules.
Ito ay sa kabila ng babala na posibleng maharap sa penalty ang mga sasali sa transport strike.
Ayon sa PISTON, hindi sila natatakot at iginiit na karapatan nilang ipahayag ang kanilang damdamin.
Kasabay nito, kinuwestyon ng PISTON ang aksyon ng administrasyon laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Hinikayat pa ng grupo ang publiko na makiisa sa kanilang kilos protesta.
