dzme1530.ph

$1-billion loan para sa Bataan-Cavite Interlink Bridge, inaprubado na

Inaprubahan ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) ang $1.14-billion loan para pondohan ang konstruksyon ng Bataan-Cavite Interlink Bridge.

Ang 32.15-kilometer Marine Bridge ay magdurugtong sa Central Luzon patungong Southern Tagalog Regions.

Kabilang din sa magpopondo sa naturang proyekto ang Asian Development Bank (ADB).

Inaasahan na sa pamamagitan ng Bataan-Cavite Interlink Bridge, magiging isa’t kalahating oras na lamang ang travel time mula Mariveles, Bataan patungong Naic,Cavite mula sa kasalukuyang limang oras.

Mapapabilang din ito bilang isa sa pinakamahabang tulay sa buong mundo.

About The Author