dzme1530.ph

MGA PUV NA WALANG NAKAPASKIL NA FARE MATRIX, BAWAL MANINGIL NG MAS MATAAS NA PASAHE

Loading

Hindi maaaring ipatupad ng mga tsuper ng Public Utility Vehicles (PUV) ang inaprubahang taas-pasahe kung walang printed na fare matrix sa kanilang sasakyan, ayon sa Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO).
 
Ipinaalala ni ACTO National President Libay de Luna sa PUV drivers na kailangang muna nilang kumuha at ipaskil sa kanilang sasakyan ang bagong fare matrix bago singilin ng mas mataas ang mga pasahero upang maiwasan ang violations at penalties.
 
Una nang pinaalalahanan ng Department of Transportation (DOTr) na dapat ipaskil ng mga PUV ang kanilang fare matrices bago singilin ng bagong rates ang mga pasahero.
 
Ang kumpletong fare matrices ay maaaring i-download mula sa official website ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

About The Author