dzme1530.ph

New Bataan, Davao de Oro, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

Inuga ng magnitude 5.1 na lindol ang Davao de Oro, alas-11:33 kaninang umaga.

Natunton ng PHIVOLCS ang epicenter ng lindol na tectonic in origin, 1 kilometro, timog silangan ng New Bataan, at may lalim na 8 kilometers.

Naitala ang Instrumental Intensity 5 sa Nabunturan, Davao de Oro habang Instrumental Intensity 1 sa City of Digos, Davao City, Matanao, at Magsaysay, sa Davao del Sur at Malungon, Sarangani.

Wala namang inaasahang pinsala sa naturang pagyanig subalit posible ang aftershocks.

About The Author