![]()
Pinangalanan na ang mga nanalong kandidato para sa parliamentary district representative seats sa Cotabato City at Basilan, kasunod ng unang parliamentary elections sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa Cotabato City, nanalo sina Romeo Sema sa unang distrito; Naguib Sinarimbo sa ikalawang distrito; at Tomanda Antok sa ikatlong distrito.
Sa tatlong winning candidate, dalawa ay mula sa Bangsamoro Federalist Party (BFP) habang si Sema ay mula sa Mahardika Party (MP).
Sa Basilan naman, nagwagi sina Rima Hassan sa first district; Pai Sai sa second district; Abrar Hataman sa third district; at Jay Hataman sa fourth district.
Tatlo mula sa apat na district seats sa Basilan ay na-secure ng BFP habang nakakakuha ng isang seat ang United Bangsamoro Justice Party (UBJP).
