dzme1530.ph

LIDERATO NG SENADO, NANGAKONG ISUSULONG ANG POLITICAL DYNASTY BILL

Loading

NANGAKO si Senate President Sherwin Gatchalian na patuloy nilang isusulong ang paglikha ng batas na magbabawal sa political dynasty sa gobyerno.
 
Binigyang-diin ni Gatchalian na kasama ito sa priority bills ng Legislative-Executive Development Advisory Council.
 
Welcome din kay Gatchalian ang pagpuna ng Korte Suprema na may grave abuse of discretion na sila sa Kongreso dahil sa hindi paglikha ng batas laban sa political dynasty na iniuutos sa kanila ng Konstitusyon.
 
Kinatigan ito ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri at ipinaalalang ang Kamara ay nakapagpasa na ng sarili nilang bersyon ng anti-political dynasty bill.
 
Una nang iginiit ni Senador Risa Hontiveros na muli nang pagdebatehan at pagbotohan ang anti-political dynasty bill na nabitin dahil napalitan siya bilang chairperson ng Committee on Constitutional Amendments.

About The Author