![]()
Naniniwala ang National Citizens’ Movement for Free Elections o NAMFREL na may pag-abuso na sa kapangyarihan ang paulit-ulit na pagsusulong ng Kongreso sa postponement ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni NAMFREL National Chairperson Angel ‘Lito’ Averia, hindi pa nasusubukan ang bagong batas na gawing apat na taon ang termino ng mga barangay at SK officials subalit may panukala na namang gawing limang taon ang kanilang termino.
Ipinaalala ni Averia na malinaw sa ruling ng Korte Suprema na hindi na papayagan ang pagpapaliban ng halalan kung walang sapat na dahilan.
Kasabay nito, iginiit ni Averia na dapat paghiwalayin ang isinusulong na term extension sa panukalang ipagpaliban ang halalan.
