dzme1530.ph

Ivana Alawi, Liza Soberano, at Janine Gutierrez, muling itinanghal na Most Beautiful Faces for 2022 ng Tc Candler

Nagbabalik ang ilang Pinay Celebrities sa 2022 Most Beautiful Faces ng Tc Candler Magazine.

Mula sa dating pang apat, ikaanim na ngayon sa listahan ang actress at vlogger na si Ivana Alawi.

Nasa number 23 naman ang aktres na si Liza Soberano na dating nag number 1 noong 2017.

Nasa pang number 51 ang actress-TV host na si Janine Gutierrez, habang number 80 ang Filipino-American Singer at Tiktok sensation na si Bella Poarch.

Samantala, nanguna naman ngayong taon sa Most Beautiful Faces ang Victoria’s Secret Angel na si Jasmine Tookes.

About The Author