dzme1530.ph

Atty. Richard Santos Clarin, itinalagang Chairman ng Games and Amusement Board 

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ang abogadong si Richard Santos Clarin bilang Chairman ng Games and Amusement Board (GAB).

Kinumpirma ni Malacañang Press Briefer Daphne Paez ang appointment kay Clarin kasabay ng pagaanunsyo sa bagong appointments sa Subic Bay Metropolitan Authority.

Papalitan ni Clarin si Abraham Mitra na itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang GAB ang namamahala sa regulasyon at pangangasiwa sa Professional Sports at Allied Activities sa bansa.

Ito rin ang nagbibigay ng lisensya sa Professional Sports Practitioners, at tungkulin din nitong masawata ang Illegal Bookie Joints at iba pang uri ng iligal na pagsusugal sa pamamagitan ng sports.

About The Author