![]()
Rerebisahin ng Metro Manila Development Authority (MMDA), katuwang ang Metro Manila Council, ang mga patakaran sa ipinatutupad na No-Contact Apprehension Policy (NCAP).
Kasunod ito ng pagkatig ng Korte Suprema sa pagpapatupad ng NCAP.
Sa panayam ng ME Radio, sinabi ni MMDA General Manager Nicolas Torre III na sa ngayon ay interconnected na sa kanilang command center ang mga camera ng iba’t ibang lungsod.
Ipinaliwanag ni Torre na metro-wide ang implementasyon ng NCAP kaya uniform ito sa buong Metro Manila.
