![]()
May posibilidad na may maghain sa Korte Suprema ng isyu kaugnay ng 16-threshold vote para ma-convict si Vice President Sara Duterte.
Hindi naman kinumpirma ni House Prosecutor Rep. Ysabel Maria Zamora kung sino ang gagawa nito.
Gayunman, naniniwala ito na hinog na para sa adjudication ang isyu, lalo pa’t gumugulong na ang impeachment trial at sa huli ay boboto ang mga senator-judges.
Para kay Zamora, movable ang threshold dahil hindi naman, aniya, binanggit sa Konstitusyon ang eksaktong bilang na 16. Aniya, ang tanging malinaw ay ang probisyong “two-thirds of all members.”
Nilinaw nito na hindi sa kanilang grupo o kampo manggagaling ang petisyon, ngunit inaasahan nilang maaaring may sinumang mamamayan na magdala ng usapin sa Korte Suprema.
Binigyang-diin din ni Zamora na bilang mga prosecutor, sila ay officers of the court at handang sumunod sa anumang utos o direktiba ng presiding officer.
