dzme1530.ph

Mga pasilidad ng Air Traffic Management Center nasa maayos na kondisyon —CAAP

Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nasa maayos na kondisyon ang mga pasilidad ng Air Traffic Management Center ngayong Semana Santa.

Ayon sa CAAP nagsagawa ng inspeksyon si Transportation Sec. Jaime Bautista sa Air Traffic Management Center para matiyak na hindi maulit ang aberya noong Enero kung saan maraming flight ang nakansela

Kabilang sa tiniyak na nasa maayos na kondisyon ang Communication/Navigation/Surveillance at kontrolado umano ang sitwasyon ngayong Holy Week.

Umaasa ang CAAP na hindi na mauulit ang aberya matapos maibalik ang dating nagmementina sa nasabing pasilidad.

Ginawa ang inspeksyon ng kalihim bilang paghahanda ngayong Semana Santa kung saan marami ang magta-travel kasabay ng mahabang bakasyon. —sa ulat ni Tony Gildo

 

Walang makuhang paglalarawan.

About The Author