dzme1530.ph

PINSALA AT PAGKALUGI SA AGRIKULTURA DULOT NG HABAGAT AT MGA BAGYO, SUMAMPA NA SA 4.3 BILLION PESOS

Loading

Lumobo na sa 4.38 billion pesos ang pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura dulot ng pinaigting na habagat at mga nagdaang bagyong Luis, Maymay, Neneng, at Pilandok, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Batay sa final assessments ng regional offices ng DA, naitala ang agricultural damage and losses sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Western Visayas.

Umabot naman sa 99,663 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan habang 81,511 hectares ng agricultural areas ang napinsala ng masamang panahon.

Nagdulot din ang mga nagdaang bagyo at habagat ng production losses na 102,791 metric tons ng agricultural commodities.

Pinakamalaki ang halaga ng pinsala sa bigas na naitala sa 2.05 billion pesos, na sinundan ng high-value crops na nalugi ng 1.38 billion pesos.

About The Author