dzme1530.ph

HILING NA RED NOTICE LABAN KAY ZALDY CO, IPA-FOLLOW-UP SA FRANCE, AYON SA DILG CHIEF

Loading

Ipa-follow-up ng pamahalaan ng Pilipinas ang hiling na Interpol Red Notice laban kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co sa France.

Sa press conference, sinabi ni Interior and Local Secretary Jonvic Remulla na maghahain silang muli ng Red Notice laban kay Co.

Ayon kay Remulla, magtutungo rin siya sa Lyon, France para i-follow-up ang Red Notice ng dating kongresista sa Interpol.

Idinagdag ng DILG Chief na una nang inanunsyo kahapon ng kanyang kapatid na si Ombudsman Jesus Crispin Remulla na lilipad ito patungong France upang kausapin ang mga awtoridad doon.

Aniya, makikipagtulungan siya sa Interpol habang ang Ombudsman ang mamamahala sa mga diplomatikong hakbang para mahuli si Co.

Noong Mayo ay napaulat na nananatili ang dating mambabatas sa isang bahay sa kahabaan ng Champs-Élysées sa Paris.

About The Author