![]()
Nanumpa si dating Sen. Manny Pacquiao bilang bagong kalihim at lead convenor ng National Anti-Poverty Commission.
Pinalitan ni Pacquiao si former Secretary Lope Santos III.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang oath-taking sa Palasyo habang dumalo rin sa event si Cabinet Secretary Benhur Abalos.
Ayon sa Palasyo, tiwala si Pangulong Marcos sa pamumuno ni Pacquiao sa pagpapaigting ng mga pagsisikap ng pamahalaan laban sa kahirapan, pagsusulong ng repormang panlipunan, at paglalapit ng mga programa at serbisyo sa mga komunidad sa buong bansa.
