dzme1530.ph

FOCUS CRIMES, BUMAGSAK NG MAHIGIT 41% NOONG AGOSTO, AYON SA PNP

Loading

Bumagsak ng 41.77% ang focus crimes sa buong bansa noong Agosto, kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Ayon sa PNP, sa kabuuan, nakapagtala ang walong focus crimes ng 2,087 incidents noong nakaraang buwan kumpara sa 3,584 noong August 2025.

Ang focus crimes ay kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping of motor vehicles, at carnapping of motorcycles.

Sa datos ng PNP, nakapagtala ng pinakamalaking pagbaba ang carnapping of motor vehicles na bumagsak ng 67.74%, sumunod ang rape, carnapping of motorcycles, physical injury, at theft.

Sinabi ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na sa kabila ng pagbaba ng mga insidente ng krimen ay hindi dapat sila magpakakampante kaya tuloy-tuloy ang kanilang trabaho at mananatili ang presensya ng mga pulis kung saan sila higit na kailangan ng mga tao.

About The Author