DZME1530

Manny Villar, nanguna sa Filipino billionaires na pasok sa 2023 World’s Billionaires List ng Forbes Magazine

Pinangunahan ng real estate mogul na si Manny Villar ang 14 na Filipino billionaires na nakapasok sa 2023 World’s Billionaires List ng Forbes magazine.

Si Villar na founder ng property developer na Vista Land & Lifescapes Inc., Allday Marts Supermarkets at Vistamalls Inc., ay mayroong networth na $8.6-B.

Ito ang nagdala sa kanya para maitala bilang 232nd Richest Person in the World.

Pangalawa naman sa pinakamayamang Pilipino ay si Enrique Razon, may-ari ng International Container Terminal Services Inc. at casino company na Bloomberry Resorts, na may net worth na $7.3-B.

Ikatlo si San Miguel Corp. President Ramon Ang na may net worth na $3.4-B; pang-apat sina Henry Sy ng SM Investments Corp. at Andrew Tan na kapwa may $2.5-B at pang-lima ay ang magkapatid na Hans Sy at Herbert Sy na may tig-$2.4-B na net worth. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author